Ilang celebrity ang nakatanggap ng magandang biyaya ngayong 2022 sa pagkakaroon ng bagong miyembro sa kani-kanilang pamilya.

Patuloy na lumalaki ang Villania-Arellano family nang isilang ni Iya noong Hunyo ang ika-apat nilang anak ni Drew na si Baby Astro.

Pag-amin ni Iya, sa kaniyang mga baby, pinakamahirap ang naging pagsilang niya sa kanilang bunso.

Mayo naman nang iluwal ni Winwyn Marquez ang first baby nila ng kaniyang non-showbiz partner na si Baby Luna.

Habang noong Abril, isilang ni Jennylyn Mercado ang first baby nila ni Dennis Trillo na si Baby Dylan.

Hindi raw ready ang mag-asawa sa paglabas ng kanilang baby dahil pagpapa-checkup lamang dapat noon si Jennylyn.

Pround new parents din sina Rocco Nacino at Melissa Gohing sa pagdating ni Baby EZ na isinilang noong Oktuber.

Ilan pa sa mga first time mom na celebrity ngayong taon ay sina actress-singer Angeline Quinto, comedienne-singer na si KitKat, aktres na si Angelica Panganiban, "Bubble Gang" babe Arny Ross, Kapuso actress Anna Vicente, at si Rita Daniela.-- FRJ, GMA Integrated News