Ipinaliwanag ni Joaquin Domagoso kung bakit hindi pa niya planong pakasalan ang nobyang si Raffa Castro kahit mayroon na silang anak.

“It’s not that we’re deciding or not deciding. That’s the whole beauty about it. The moment that you decide and not decide something, mawawala ‘yung question when I do ask or if I do ask,” sabi ni Joaquin sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

Inilahad ni Joaquin na “consensual” o napagkasunduan nila ni Raffa na hindi muna magpakasal.

“We’re new generation po, nakakaisip na po kami, na hindi lang dahil na may anak na po kayo, magpakasal na po kayo,” saad niya.

Para rin kay Joaquin, hindi dapat pinipilit o minamadali ang pagpapakasal.

“And you’re not supposed to force it din eh. Pero sa amin, it’s not that ‘yung pinupuntahan na namin ang marriage, pero sa akin po, papunta na kami roon kasi doon na po ang buhay ko eh. Ako, I want a family, I want a beautiful family,” sabi ng Kapuso actor.

Paglilinaw ni Joaquin, kailangan nilang maghanda ni Raffa sa buhay-mag-asawa.

“What I’m saying is like in marriage and what marriage really is. Pinaghahandaan ito. You can’t just decide, like ‘I’ll do this’ tapos magpapakasal na kami bukas. Gusto ko ‘yung parang ipaplano pa namin, ‘yung talagang three years tapos anniversary ko siya, binigay ko ang ring,” pahayag niya.

Hindi rin daw gugustuhin ni Joaquin na magpakasal dahil sa pagkakaroon ng anak.

“I don’t wanna do it just because may anak na kami. Kawawa naman si Rafa no’n, kawawa naman sa kaniya, if the reason why pinakasalan ko siya dahil may anak lang kami. Eh ‘di ba dapat nagpapakasal ka kasi mahal mo ‘yung tao?”

Kuwento ni Joaquin, suportado at natutuwa pa ang kaniyang amang si dating Manila Mayor Isko Moreno nang malaman na magkakaanak na siya.

“Papa was so supportive about it. He was dancing, sumasayaw si Papa, ‘I’m gonna be a dad, grandfather!’” kuwento ni Joaquin, habang ginagaya kung paano sumayaw ang kaniyang ama noon sa tuwa.

“Ako I was like, nawala, Nawala ang stress ko. ‘Cause I was so scared to tell them. Like, what is my dad gonna say?” reaksyon ni Joaquin nang makita ang tugon ng ama.

Hindi naman daw kaagad nakapagsalita ang kaniyang ina.

Ayon kay Joaquin, long-time best friend niya si Raffa.

"We’ve been friends for almost, this year counting six na. I know her ex boyfriends, she knows my ex girlfriends, that’s how close we are,” paliwanag niya.

Nang tanungin ni Tito Boy si Joaquin kung si Raffa na ba ang “the one?,” tugon ng aktor, “She is the one.”

Si Raffa ay kapatid ng Kapuso actress na si Claire Castro, at ama nila ang aktor na si Diego Castro. --FRJ, GMA Integrated News