Isang 34-anyos na babae ang nagsilang ng apat na identical babies sa Brisbane, Australia, na itinuturing one in 15 million cases.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing via cesarean section isinilang ni Jenitar Na’amoana, ang baby girls na sina Emily, Harriet, Alexa at Catherine.

Isinagawa noong Hulyo 14 ang operasyon sa Royal Brisbane and Women's Hospital.

Sinabi ng isang espesyalista roon na itinuturing na extremely rare at high risk ang pagkakaroon ng identical quadruplets.

Maayos naman ang kalusugan ng quadruplets na nananatili sa neonatal intensive care unit ng ospital. —Jamil Santos/VBL GMA News