Ikinuwento ni Joshua Garcia kung papaano nila pinaghandaan ni Jodi Sta Maria ang kanilang torrid kissing scenes sa upcoming drama series na “Unbreak My Heart.”

Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, sinabi ni Joshua na hindi naman niya first time na gawin ang kissing scene pero first time niyang gumawa ng love scene kasama si Jodi.
.
“Mabuti na lang dumaan kami sa sensuality workshop with an international sensuality [workshopper]. Natulungan kami, naging detalyado kami the way we kiss, kung gaano katagal,” saad ng aktor tungkol sa ginawa nilang paghahanda ng aktres.

Sa kabila ng kanilang umaatikabong kissing scenes, inilahad ni Joshua na may limitasyon pa rin sila bilang mga aktor sa kanilang trabaho.

“Doon kasi sa sensuality workshop, doon mo malalaman ‘yung kung hanggang saan lang ang limit mo, kung hanggang saan ang puwede mong hawakan, puwede mong halikan, gaano katagal, sobrang detailed. Kung may tongue ba ‘yan, without tongue, lahat,” sabi niya.


 

“May tongue ba?” tanong ni Tito Boy.

“Wala,” tugon naman ni Joshua.

Inihayag din ni Joshua ang kaniyang pasasalamat kina Jodi at kay Gabbi Garcia sa pagtitiwala sa kaniya para sa kissing scenes.

Ayon kay Joshua, pareho lang din ang estilo niya ng paghalik sa series at sa tunay na buhay.

“Ang difference lang siguro is, dito kasi walang tongue. Sa totoong buhay, you can use your tongue, right?” nakangiting sabi ni Joshua. -- FRJ, GMA Integrated News