Nagbigay ng pahiwatig si Joey de Leon na hindi pa magtatapos sa pagbibigay nila nina Tito Sotto at Vic Sotto ng isang libo’t isang tuwa matapos silang kumalas sa TAPE Inc. na producer ng "Eat Bulaga."

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Joey ang anunsyo nila nina Tito Sotto at Vic Sotto tungkol sa pamamaalam nila sa TAPE Inc na producer ng longest-running noontime show na umabot ng 44 na taon.

Sa kaniyang caption, sinabi ng Pinoy Henyo Master na hindi pa sila "signing off."

“We’re not signing off … we are just taking a day off!” saad ni Joey.

 

 

“All for one, one for all,” komento ng anak niyang si Jako de Leon.

Nagpahayag din ng suporta si Jopay Paguia, na OG member ng Sexbomb dancer. 

“Dito lang kami ninong,” ani Jopay.

Sabi naman ni Sugar Mercado, na dati ring Sexbomb dancer,  “Habang may bata may EATBULAGA #solid.”

“We'll all be waiting tito Joey @angpoetnyo” saad ni Gladys Reyes.

Samantala, nagbigay naman ng pakikisimpatiya si Allan K sa mga Dabarkads na nalungkot sa pangyayari.

Sa kaniya ring Instagram, nagbahagi si Allan ng larawan niya na may hawak na bag at nakasulat na “Let me hug you.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @allan_klownz

 

“Mahigpit na yakap AK,” komento ni EA Guzman, na nagwaging Mr. Pogi 2006 sa Eat Bulaga.

“Yakap mahigpit,” sabi ni Rochelle Pangilinan.

“Yakap Mam Allan” komento ni Maja Salvador, na naging bahagi ng Dabarkads noong 2021.

“Yakaaap!!!” sabi ni Thia Thomalla.

“[I] love you po Nay…” saad naman ni Boobay.-- FRJ, GMA Integrated News