Inihayag ni Tom Holland na isang taon muna siyang magpapahinga sa pag-arte, matapos makaranas ng kakaibang pagod umano sa kaniyang huling project na “The Crowded Room.”

Sa Star Bites report sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabi ng Spider-Man actor na sanay siya sa hard work, ngunit kakaibang pagod ang hatid sa kaniya ng series, dahil iba’t ibang emosyon ang kinailangan nilang i-explore para sa proyekto.

Si Tom din mismo ang producer ng proyekto, kaya napagod siya at naisip na kailangan muna niyang magpahinga. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News