Sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan, sumalang si Carmina Villarroel sa hot seat ng kanilang programa na "Sarap Di Ba?" Itinanong ng kaniyang anak na si Cassy Legaspi kung nagkaroon ba siya ng pagsisisi sa kaniyang showbiz career.
“Matagal ka na sa showbiz. Do you have any regrets sa showbiz life mo?” tanong ni Cassy sa kaniyang ina.
Sagot ng actress-TV host, "Mayroon."
Paliwanag niya, Yung regret ko, because that time, I thought that I was in love. So in short mas pinili ko ‘yung love kaysa sa career. Feeling ko lang naman ‘yon. Because ang dami kong natanggihan na projects, marami akong hindi nagawa because I chose my love life.”
Ngunit ayon kay Carmina, nagbago itong lahat nang mabuo na ang sarili niyang pamilya kasama si Zoren.
READ: Aktor na muntik makatuluyan ni Carmina Villarroel, ipinaalala ni Zoren Legaspi
“But, sabi ko nga kay tatay [Zoren], after giving birth, simula noong dumating kayong dalawa (Mavy at Cassy) into our lives, mas gumanda ‘yung career ko,” anang actress-TV host.
“So ngayon… wala na lang akong regret,” natatawang sabi ni Carmina. “Wala na lang akong regret, kasi happy ako kung nasaan ako ngayon.”
Sunod namang nagtanong si Mavy kung may pagsisisi si Carmina na hinayaan niya silang kambal na pumasok sa showbiz.
“No,” diretsong sagot ni Carmina.
“Wala akong regrets. Bakit? Kasi nakikita ko na masaya kayo. Kung dati na mas bata kayo na medyo inaalis ko kayo sa showbiz, wala eh. Kahit anong gawin namin ni tatay, napunta talaga kayo dito na hindi talaga namin kayo pinipilit,” pagpapatuloy pa niya.
“Tapos kapag nakikita namin kayo ngayon, kahit na napapagod na kayo sa trabaho ninyo o kahit halos araw-araw ‘yung work ninyo, wala akong naririnig na reklamo kasi nga nafi-feel ko na mahal niyo. Iba ‘yung glow niyo. So wala akong regrets,” ani Carmina.
Ipagdiriwang ni Carmina ang kaniyang kaarawan nitong Huwebes, Agosto 17.
Napapanood si Carmina bilang si Lyneth Santos, ina ni Doctora Analyn, na ginagampanan ni Jillian Ward sa “Abot-Kamay na Pangarap.” --FRJ, GMA Integrated News
