Natutuwa si Sunshine Cruz para sa kaniyang 21-anyos na anak na si Angelina dahil nakabili na ito ng una niyang sasakyan.
Sa Instagram, ibinahagi ng 46-anyos na aktres ang mga larawan at video nang kunin nila ang brand-new car ni Angelina, panganay nilang anak ni Cesar Montano.
Sa Instagram Story, binati ni Sunshine si Angelina para ipaalam ang kaniyang kasiyahan para sa kaniya.
"[Nakaka-proud] ka anak!" saad ng aktres. "Congratulations on your new baby!"
Nitong nakaraang linggo, ipinagdiwang ni Angelina ang kaniyang 21st birthday kasama ang kaniyang blended family.
Sa naturang selebrasyon ng kaarawan ni Angelina, present ang kaniyang ama na si Cesar, kasama ang bago nitong partner. Nandoon din ang kaniyang half-brother na si Diego Loyzaga.
Una rito, nagpasalamat si Sunshine sa mga sumusuporta at nakauunawa sa kanilang blended family.—FRJ, GMA Integrated News

