Labis na ikinatuwa ng fans ang dance collab nina Sandara Park at Hoshi ng Seventeen para sa bagong awitin ng una na, “DARA DARA.”
Sa Tiktok post ni Sandara, na mapapanood din sa Unang Balita nitong Huwebes, makikita ang paghataw nina Sandara at Hoshi sa single ng 2NE1 star.
Kinagiliwan ito ng Blackjacks, Carats, at Daralings at inihayag ang kanilang tuwa sa comments section.
@sandarapark.official DARA DARA???? with #?? #??? #???? #SandaraPark #DARADARA ? DARA DARA (Prod. GRAY) - Sandara Park
Bumalik sa Pilipinas nitong Setyembre si Sandara para suportahan ang concert ng K-pop idol na si BamBam.
Sa Oktubre 26 naman, ire-release ng Seventeen ang kanilang comeback album na “'SEVENTEENTH HEAVEN.”
Magkakaroon din ng tour sa Pinas ang Seventeen sa Enero 2024.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
