Blooming na bride-to-be sa Bali, Indonesia ang Kapuso actress na si Valeen Montenegro.

Bago ang kaniyang kasal, nagtungo si Valeen at mga taong malapit sa kaniya para mag-party sa Motel Mexicola, isang kilalang restaurant and bar sa Bali.

Sa mga larawan na ipinost ni Valeen sa Instagram, makikita ang aktres na nag-e-enjoy habang may nakalagay sa kaniyang headband na may nakasulat na “Bride.”

“A weekend to remember,” saad ni Valeen na caption sa post.

 

 

Noong nakaraang Nobyembre nang maging engaged si Valeen sa kaniyang non-showbiz partner na si Riel Manuel.

Sa isang post ni Valeen na kasama ang kaniyang future husband, sinabi niya sa caption na, "366 days with you this year.. but in a couple of days.. locked in FOREVER NA BWAHAHAHAHAHA."

Napapanood si Valeen sa gag show na “Bubble Gang,” ay kasama rin siya sa upcoming series na “Love. Die. Repeat.,” na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Xian Lim. --FRJ, GMA Integrated News