Sa kaniyang nakatakdang solo debut, naglabas si Justin ng SB19 ng teaser ng kaniyang upcoming single na “Surreal.”

Sa kaniyang YouTube channel, mapapanood ang cinematic video ng paglilibot ni Justin sa gubat, hanggang sa may nakita siyang misteryosong maskara.

Nakatakdang i-release ang “Surreal” sa Pebrero 29.

May mahigit 60,000 views na ngayon ang video.

Si Justin ang tumatayong creative director ng SB19, na siyang nagdirek ng music videos ng grupo na “Hanggang sa Huli,” “What?” at “WYAT?”

Inilunsad na rin ng kapwa niya members na sina Josh, Pablo at Ken ang kanilang mga solo music. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News