Inilahad ni Alden Richards na hindi siya napipikon at katunayan, ikinatuwa pa niya ang mga naglabasang memes tungkol sa “pagalit” niyang hosting sa Miss Universe Philippines 2024.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Biyernes, sinabing ipinaliwanag ni Alden na pinantayan lamang niya ang excitement ng crowd sa kaniyang “pagalit” na announcement.

Looking dapper at puno ng energy si Alden sa kaniyang Top 20 announcement, na patok sa netizens.

Naaliw ang marami at ginawan din ito ng biro ni “It’s Showtime” host Vice Ganda.

Ginaya ito ni Vice sa “Expecially For You” segment ng noontime show. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News