Gumawa ng ingay ang misis ni Kanye West na si Bianca Censori sa 67th Annual Grammy Awards sa Los Angeles, California matapos siyang rumampa sa red carpet na halos walang saplot sa katawan dahil sa suot niyang see-through dress.

Habang nakasuot ng usual all-black ensemble at sunglasses ang singer-rapper, naging agaw-pansin ang kabiyak niyang Australian model dahil sa suot nitong see-through mini dress.

Ilang saglit umano matapos ang kanilang maingay na pagpasok sa event, iniulat ng mga US media na agad din silang sinamahan ng mga escort palabas ng pagtitipon.

Ang pagdalo nina Kanye at Bianca sa taong ito Grammys ay ang unang pagkakataon ng naglakad na magkasama ang mag-asawa sa red carpet.

Ikinasal ang dalawa sa isang pribadong seremonya noong 2022, ang taon din na opisyal na nadiborsiyo si Kanye mula kay Kim Kardashian.— mula sa ulat ni Hermes Joy Tunac/FRJ, GMA Integrated News