Pinusuan ang collab nina Barbie Forteza at Ivana Alawi ng kanilang paghataw para sa isang TikTok entry.

Pinost ni Barbie sa kaniyang TikTok account ang Let's Get Loud entry nila ni Ivana, na kinagiliwan ng netizens.

"Happy to see you again, Gorgeous @Ivana Alawi  Excited na kong mapanood ang vlog natin sa channel mo!" caption ni Barbie.

 

@barbieforteza8doneyet Happy to see you again, Gorgeous @Ivana Alawi ? original sound - Jhaedon James

 

Bago nito, namataan na rin sina Barbie at Ivana na nag-commute sa MRT.

Inihayag na rin ni Ivana noon sa kaniyang vlog na si Barbie ang pinakamabait niyang nakatrabaho sa GMA.

Nagkasama sila noon sa hit Kapuso teen oriented show na Tween Hearts.

May 4.5 milyong views na ang kanilang entry sa oras ng pagpost ng artikulo. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News