Dahil dalawang co-stars niya sa katatapos lang na series na "My Ilongga Girl," tinanong ang Kapuso star na si Jillian Ward kung game kaya siyang pumasok din sa bahay ni "Kuya" bilang housemate sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition?"
Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabing ini-enjoy ngayon ni Jillian ang kaniyang free time sa pag-aaral na tumugtog ng digital piano, nagwo-workout, at balak din niyang i-explore ang gaming.
May oras din siya para makapanood ng mga episode ng PBB kung saan isa sa mga housemate ang kanilang dating leading man sa My Ilongga Girl" na si Michael Sager.
At nito lang weekend, pumasok na rin sa bahay ni Kuya ang isa pa niyang co-star sa naturang TV series na si Vince Maristela.
Kaya naman natanong si Jillian kung game din kaya siyang pumasok sa bahay ni Kuya.
"Baka ma-evict ako agad. Kasi ang tagal kong maligo, lagi akong natutulog," saad ni Jillian. "Pero if ever nandoon ako, siguro ako ang laging magsasaing na lang."
Proud din si Jillian sa kaniyang mga kaibigan na nasa PBB, at pangako niya, "Basta paglabas ninyo ako bahala sa inyo, ililibre ko kayong lahat." -- FRJ, GMA Integrated News
