Ibinahagi ni Nikki Gil na natuklasan ng mga duktor na may Kawasaki Disease ang kaniyang tatlong-taong-gulang na anak na si Maddie.

Sa Instagram post, inihayag ng singer at dating VJ ang hirap ng kalooban na kaniyang nararamdaman bilang magulang na makita ang anak na may karamdaman at nasasaktan.

"Maddie was diagnosed with Kawasaki Disease — something we had never even heard of," saad niya.

"And seeing our little girl in pain, hooked to IVs, enduring tests and meds, was the hardest thing we've ever gone through as parents," dagdag pa niya.

Nagpasalamat naman si Nikki sa medical team na nag-asikaso kay Maddie at sa mga tumutulong sa kanila para harapin ang pagsubok na ito kanilang buhay.

"We're finally home with our brave girl, and while recovery continues, our hearts are filled with gratitude," pahayag ni Nikki.

 

 

Ang Kawasaki Disease, na kilala rin sa tawag na Kawasaki Syndrome, ay karamdaman patungkol sa pamamaga ng ugat sa katawan na kadalasang mga bata at sanggol ang naaapektuhan.

Maaaring mauwi sa sakit sa puso ang naturang kondisyon kung hindi maaagapan.

Ang Japanese pediatrician nasi Tomisaku Kawasaki ang unang naglarawan sa naturang sakit. Pumanaw ang duktor noong June 2020 sa edad na 95.

Si Maddie ay isa sa dalawang anak nina Nikki at BJ Albert.— mula sa ulat ni Hermes Joy Tunac/FRJ, GMA Integrated News