Nananatiling Kapuso si Christian Bautista matapos siyang mag-renew ng kontrata sa GMA Network nitong Martes.
Kasunod nito, inihayag ni Christian ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang network dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kaniya.
“I am deeply, deeply grateful. Maraming salamat po sa pagtiwala and the belief that you've given me through the years. It's really overwhelming to be standing here today and I've been part of GMA for over a decade,” sabi ni Asia’s Romantic Balladeer.
Bukod dito, pinasalamatan pa niya ang Kapuso network sa pagbibigay sa kaniya ng “home,” “platform,” at “space to keep growing.”
“Thank you because you're reminding me of what I can do and what I'm capable of and what else I can do,” pagpapatuloy pa ni Christian.
Dumalo sa contract signing sina GMA Network President at CEO Gilberto R. Duavit, Jr., Executive Vice President and CFO Felipe S. Yalong, Officer-In-Charge for Entertainment Group and Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy, at Nyma COO Kat R. Bautista.
Kinanta ni Christian ang kaniyang hit song na "The Way You Look at Me," na inialay niya sa kaniyang mga tagasuporta at mga mahal sa buhay.
"You look after me, and I will look after you," sabi niya.
Sa kaniyang karera na umabot na ng mahigit 20 taon, kilala si Christian sa kaniyang mga nakakakilig na ballads gaya ng “The Way You Look at Me,” “Hands to Heaven,” at “Please Be Careful With My Heart,” at iba pa.
Bukod sa pagiging singer, isa rin siyang artista, na napanood sa ilang Kapuso teleserye tulad ng “Encantadia,” at “My Love From the Star.”
Dati rin siyang nagsilbi bilang isa sa mga hurado ng singing competition ng GMA Network na "The Clash." Noong 2023, ipinagdiwang niya ang kaniyang ika-20 taon sa industriya sa pamamagitan ng isang concert.--Jade Veronique Yap/Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated New

