Pumanaw si Ricky Davao nang hindi nalalaman na namayapa ang biyenan niya na si Pilita Corrales, ang ina ng kaniyang dating asawa na si Jackie Lou Blanco.Inilahad ito ni Jackie Lou sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, nang matanong siya tungkol sa magkasunod na pagpanaw ng kaniyang ina at dating mister.“In the beginning, I was thinking, should we tell him [Ricky]? But my kids were saying, ‘Mom, no na lang. He’ll feel bad pa. ‘Wag na lang.’ So, we didn't,” kuwento ni Jackie Lou.Ayon kay Jackie Lou, kahit naghiwalay sila ni Ricky, nananatiling malapit sa isa't isa ang kaniyang ina at ang dating asawa. Inisip umano nila na “it would have been too much” para sa aktor na nakikipaglaban din sa sakit kapag nalaman ang nangyari kay Pilita .“When Ricky and I got separated, ‘yun ‘yung hindi nawala, my mom's love to Ricky and Ricky's love to my mom. It was always there and that's such a blessing to have that.” anang aktres.Ayon kay Jackie Lou, nakikita niyang magkasama sina Ricky at Pilita na sabay na kumanta sa langit.“Since nauna si mom, pagdating ni Ricky sa langit, sasabihin ni Ricky sa langit, ‘Oh, mamita! Nandito ka!’ Sasabihin ni mamita, ‘Oh!’ Ta’s sasabihin ni Ricky, ‘Oh! Kanta tayo!’ Sasabihin ng mommy ko, ‘Hanggang dito ba naman, Ricky, magdu-duet pa tayo?’” sabi ni Jackie Lou.Pumanaw si Pilita, 87, na tinuguriang Asia's Queen of Songs noong April 12. Pumanaw naman si Ricky noong May 2 dahil sa komplikasyon sa sakit na cancer sa edad na 63.Bagaman naghiwalay, nananatiling magkaibigan sina Ricky at Jackie Lou, na mayroon silang tatlong anak.— mula sa ulat ni Carby Basina/FRJ, GMA Integrated News