Inilahad ni Vivamax star Robb Guinto na crush niya si Alden Richards, at gusto niya itong makasama sa proyekto.

Sa kaniyang nakaraang guesting kasama sina Skye Gonzaga at Mariane Saint sa "The Boobay and Tekla Show," tinanong sila kung sino ang mga crush nilang Kapuso actor.

"Single siya. Alam ko wala siyang jowa eh. Si Alden Richards," sagot ni Robb.

"Gusto kong makagawa kami ng movie together," dagdag niya.

Handa raw si Robb na sumabak sa kahit na anong genre kasama si Alden.

"Kahit ano naman. Drama. Romance. Rom-com."

Samantala, ikinuwento rin ni Robb na "guilty" siya nang makipag-date sa isang hindi kaguwapuhan pero mayaman.

"Ako 'yung niloko niya eh. So, hindi ko alam na meron pa pala siyang ibang kinakausap bukod sa akin," sabi ng Vivamax star.

"'Humanap ka ng pangit at mahalin mo nang tunay,' kaso niloko ako," dagdag ni Robb.

Dahil dito, nagdesisyon siyang iwan ito.

"Kasi after kong umiyak, lahat, sinakripisyo ko sa kaniya, iniwanan ko siya kasi niloko niya ako."

Bahagi si Robb ng cast ng "Mga Batang Riles" bilang si Honey, na napanonood 8:45 p.m. sa GMA Prime. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News