Ipinakilala na ng "Sparkle Campus Cutie" ang Top 20 finalists para sa kauna-unahang edisyon ng online talent reality competition series.

Sa mga Facebook post, pinangalanan ng Sparkle GMA Artist Center ang 20 kabataang lalaki na naglalaban-laban upang maging susunod na “Campus Crush ng Bayan.”

Narito na ang mga estudyante na nakatakdang magpamalas ang kanilang galing at karisma!

Samantala, naglabas ng pahayag ang GMA Entertainment Group at Sparkle GMA Artist Center upang paalalahanan at bigyan ng babala ang publiko laban sa laban sa mga tao at social media accounts na nagpapanggap na konektado sa kanilang organisasyon upang manghikayat ng mga nagnanais na mag-artista at nanghihingi ng pribadong larawan o personal na impormasyon. 

—mula sa ulat ni Carby Rose Basina/FRJ, GMA Integrated News