Inihayag ni Michele Gumabao na maganda ang relasyon sa kanilang pamilya ni Cristine Reyes sa harap ng usap-usapan na hiwalay na ang aktres sa kapatid ni Michele na si Marco.
Sa harap ng mga usap-usapan na hiwalay na sina Marco Gumabao kung hiwalay na ito kay Cristine Reyes
Gayunman, sa guesting ni Michele sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Miyerkoles, inihayag ng volleyball star palyer na hindi pa niya nakakausap ang kaniyang kapatid na si Marco nang tanungin siya ni Tito Boy kung humingi sa kaniya ang payo ang aktor.
"No Tito Boy, not at all. And I don't actually know where they are now in their relationship," anang Creamline Cool Smashers player.
Pero nakausap pa raw ni Michele si Cristine kamakailan.
"I just know that nakausap ko pa rin siya last week, and I got to see her din, especially when her dad passed away. So, she has a good relationship with our family. So, at least whatever is happening between them, hindi naman na-affect ‘yung mga tao sa paligid like us," saad ni Michele.
Hiningan ni Tito Boy si Michele ng kumpirmasyon kung hiwalay na nga ba ang kaniyang kapatid at ang aktres.
"I haven't seen him, so I haven't asked him," sabi niya, na idinagdag nakita niya rin lang sa social media ang tungkol sa breakup rumots nina Marco at Cristine.
"But I don't know if they get to talk again now. So siguro something to ask him when I see him," sabi pa ni Michele.
Naging Instagram official sina Marco at Cristine noong 2023. Mayroon silang limang taong agwat, kung saan si Cristine ang nakatatanda.
Sa isang episode ng "Fast Talk with Boy Abunda," naging bisita rin si Ara Mina at tinanong din kaugnay sa umano'y paghihiway ng kapatid niyang si Cristine at Marco. -- FRJ, GMA Integrated News
