Hiwalay na umano ang aktres na si Dakota Johnson at singer na si Chris Martin.
Ayon sa ulat ng People, winakasan ng "Fifty Shades of Grey" actress at Coldplay vocalist ang kanilang relasyon matapos ang walong taong pagsasama.
Noong 2021, inialay ni Chris ang kaniyang "My Universe" performance kay Dakota nang magtanghal ang Coldplay sa London.
Taong 2017 nang unang umugong ang dating rumors nina Dakota at Chris. Pagkaraan ng apat na taon, iniulat ng Vanity Fair na nagsasama na sa iisang bubong ang dalawa.
Nakatakdang bumida si Dakota sa upcoming film na "Materialists," kasama sina Pedro Pascal at Chris Evans. Si Celine Song ang direktor ng pelikula, na siyang nagdirek ng "Past Lives."
Mapapanood ang "Materialists" sa mga sinehan sa Pilipinas sa Agosto. —mula sa ulat ni Hermes Joy Tunac/FRJ, GMA Integrated News

