May bagong aabangan ang fans ng "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" habang papalapit ang Big Night.

Sa social media, inanunsyo ng reality show ang "duo challengers" nang ipakita ang larawan ng 10 tao na nakatakip ang mga mukha

"The twist is here! Narito na ang Duo Challengers sa Bahay ni Kuya!" saad sa caption sa post ng PBB.

May isa pang video na ipinost ang programa na nagsasaad na, "The Duo Challengers have arrived... and they're not here to play." 

Inihayag na ang mga challenger ay walang iba kung hindi ang 10 evicted housemates na sina Klarisse de Guzman, Shuvee Etrata, Vince Maristela, Xyriel Manabat, Josh Ford, Kira Balinger, Michael Sager, Emilio Daez, Ashley Ortega, at AC Bonifacio.

Sa ngayon, limang duos na lang ang natitira sa bahay ni Kuya na ang RaWi (Ralph De Leon and Will Ashley), DusBi (Dustin Yu and Bianca De Vera), BreKa (Brent Manalo and Mika Salamanca), CharEs (Charlie Fleming and Esnyr), at AZVer (AZ Martinez and River Joseph).

 

 

Kung ano ang mangyayari sa Duo Challengers, iyan ang dapat abangan sa susunod na linggo sa loob ng bahay ni Kuya. 

Napapanood ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network sa weeknights sa ganap na 9:35 p.m. at sa Sabado sa ganap na 6:15 p.m. —FRJ, GMA Integrated News