Photos: Sparkle/IG
Inilabas na ang ticketing details sa gaganaping fan con event ng katatapos lang na "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition."
Tinawag na "The Big ColLOVE," ang one-night event ay gaganapin sa August 10, 8 p.m., sa Smart Araneta Coliseum.
Sa post ng Sparkle, mayroong pitong ticket tiers na pagpipilian ang fans na mula sa P499 sa General Admission hanggang P6,999 para sa Platinum.
Narito ang ticket prices:
General Admission - P499
Upper Box - P1,499
Lower Box - P2,499
Patron B - P3,499
Patron A - P4,499
VIP - P5,499
Platinum - P6,999
Maaaring bilhin ang ticket simula sa July 8 sa 12 p.m. sa Ticketnet website.
Nagsimula noong Marso ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition", na umere sa loob ng apat na buwan. Nitong Sabado, itinanghal na panalo ang duo nina Mika Salamanca at Brent Manalo o BreKa. — mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ, GMA Integrated News

