Nakatawag ng pansin kay Maxene Magalona ang titulo sa artikulo ng isang pahayagan na nagsasaad na “nagpapakalma" siya.
Sa Instagram, ibinahagi ni Maxene ang screenshot ng naturang artikulo na may pamagat na: "Maxene Magalona Pampakalma."
Ayon sa aktres na isa na ngayong yoga teacher at mental health advocate, na ang naturang titulo o headline sa artikulo ang kaniyang pinakapaborito, “in all my years of being in the entertainment industry.”
“I’m happy and grateful that I am now being used as an instrument to promote peace and calmness,” saad ni Maxene, na patunay umano na, “that you can control the narrative.”
“Your past doesn’t have to define you. Heal and grow into the best version of yourself every day and do it for you, not for others,” patuloy niya.
Matatandaan na naging bukas si Maxene sa kaniyang pagbabahagi tungkol sa mga pinagdaanan niyang hamon sa mental health at healing journey sa social media, at kung paanong nakatulong sa kaniyang paghilom ang yoga at meditation.— mula sa ulat ni Hermes Joy Tunac/FRJ, GMA Integrated News
