Ikinasal na ang GMA Integrated News reporter na si Mav Gonzales sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Matthew Valeña.

Sa social media, ibinahagi ni Mav ang ilang larawan sa simpleng kasal nila ni Matthew.

"Even the sun shone when it was forecasted to rain. It was the perfect day," saad ni Mav. "Thank you Lord for blessing us with this amazing memory."

"Those close to me know I wanted to get married at 35, but I didn't really count on it. Well, I did end up marrying exactly when I wanted. God is never late," patuloy niya.

Pinasalamatan ni Mav ang kaniyang pamilya sa pag-asikaso sa kanilang kasal upang maging extra special ang naturang araw sa kaniyang buhay.

Pinasalamatan din niya ang kaniyang groom at sinabing, "And thank you Matt for finding me."

 

 

Inihayag ni Mav ang engagement nila ni Matt noong Hunyo.

Sa mga nakaraang panayam kay Mav, inamin niya na ilang beses na siyang natatanong kung kailan siya mag-aasawa.

Naging viral din noon ang kaniyang pahayag na “mas mabuti nang wala kesa mali," na patungkol niya sa kaniyang pagiging single. – FRJ GMA Integrated News