Pumanaw na ang '80s matinee idol na naging politiko na si Patrick Dela Rosa.
Noong Lunes, nagbahagi ng tribute sa Facebook ang pamangkin niyang si Joram Dela Rosa Garcia bilang pagpupugay sa kaniyang tiyuhin.
"To me, Uncle Patrick wasn't just a star on screen, he was a light in my life. He was a man who lived fully, loved deeply, and never forgot his family. He was my second father, my hero, and my best friend," saad ni Joram.
"Thank you, Uncle Patrick, for everything you've done, for guiding me, and loving me as your own. You will always live in my heart and in the lessons you've left behind," dagdag niya. "Rest peacefully, Uncle. You've touched so many lives, and your memory will forever shine bright. I love you always."
Naglabas din ng pahayag ang Provincial Information Office ng Oriental Mindoro, kung saan nagsilbi noon si Patrick bilang Board Member.
"Taos-pusong nakikidalamhati ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamilya ng namayapang si former Board Member Patrick Dela Rosa," saad sa post ng PIO sa Facebook. "Maraming salamat sa iyong mga iniwang alaala hindi lamang sa industriya ng pag-aartista, kundi maging sa pagbibigay-serbisyo para sa mga Mindoreño."
Kabilang sa mga pelikulang ginawa ni Patrick ay ang “Kristo,” “Suspek,” at “Ping Lacson: Super Cop.”
Matapos iwan ang showbiz at pulitika, lumipat si Patrick at ang kaniyang pamilya sa California, at nagtayo roon ng negosyo.—FRJ GMA Integrated News

