Sa teaser ng upcoming episode ng vodcast na “Your Honor,” inilahad nina Lovely Abella at Benj Manalo na hindi nila maiwasang magpataasan ng pride kapag pinag-uusapan ang tungkol sa pera.
“Dumating sa time na ‘yung pride namin sobrang head to head eh. Nakikita ko sa comment section, ‘Palamunin ka na,’ ganito, ganito. ‘Kasi ‘yung asawa mo masipag.’ Kumbaga kinakain ka rin ng pride,” sabi ni Benj.
“Kasi ako ang laging nakikita. Kasi nag-aaway kaming dalawa. Nagsisigawan kami na, ‘O eh ‘di ikaw na magaling!’ ‘Eh ikaw nga eh ‘pag nagmi-meeting akala mo kung sino kang magaling,’” kuwento naman ni Lovely.
Kalaunan, natuto rin silang magpakumbaba para sa isa’t isa.
“Kasi kung selfish lang ‘yung iisipin namin, puwede na kayong maghiwalay eh. Kasi that time ‘di naman din kami kasal,” ani Benj.
Samantala, inilahad ni Lovely na agad niyang nagustuhan si Benj dahil anak ito ni Jose Manalo. Si Benj naman, sinabing pareho silang umasa ni Lovely na iaahon nila ang isa’t isa sa kahirapan.
Abangan ang kuwento nina Lovely at Benj sa Sabado ng gabi, Nobyembre 29 sa “Your Honor” pagkatapos ng “Pepito Manaloto.” -- FRJ GMA Integrated News
