Inihayag ni Dasuri Choi kung papaano nagiging mag-on ang mga Korean kahit walang ligawan, at kung ano ang tipo ng lalaki na gustong maging jowa ng mga Koreana.
Sa teaser ng upcoming episode ng “Your Honor” na si Dasuri ang guest, natanong siya kung ugali rin ng Korean guys sa totoong buhay ang karakter ng mga leading man sa K-drama na mysterious at hindi nagsasalita.
“Kami ng mga Korean girls, we like bad boys. Kaya nga, ang dami pong cheater na na-meet eh, na Koreans,” tugon ni Dasuri.
Ibinahagi rin ni Dasuri na pagdating sa pag-ibig, wala nang ligawan stage sa mga Koreano, at sapat na ang magsabi lang na “I like you” ang babae at lalaki sa isa’t isa.
“Sa Korea kasi I like you, you like me,’ couple na. That's day one,” pagbabahagi niya.
Kaya nang may matipuhan siyang isang Pinoy, nagtaka siya kung bakit hindi naging sila kahit nagsabing siyang gusto niya ito, sinabing gusto rin siya.
“Pero sa Pinas, based on my experience, sabi ko, ‘I like you.’ And then sabi niya, ‘Oh I like you too.’ Sabi ko, ‘Wala?’ We know na we like each other, e ‘di we are a couple na. Sabi niya, hindi pa daw. So sabi ko, ‘Okay. So anong meron? Anong next?,’” saad niya.
Marami rin daw araw ng pagdiriwang ng kanilang relasyon ang mga Korean couple.
“And we have a lot of special days. We have Valentine's Day, White Day, Pepero Day, tapos Christmas. Tapos 200 days, 300 days,” kuwento niya.
Mapanonood ang YouLol tuwing Sabado sa livestream ng YouTube channel nito pagkatapos Pepito Manaloto. Available rin ito sa Spotify at Apple Podcasts. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
