Natagpuan ang bangkay ng isang 27-anyos na lalaki na nakagapos at may busal sa bibig sa gilid ng kalsada sa Bangued, Abra.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing natukoy na ang pagkakakilalan ng lalaki sa tulong ng kaniyang mga kaanak.

Nakitang nakagapos ang mga kamay at paa ng bangkay na lalaki, at may busal sa bibig sa Barangay Macray.

Narekober ang ilang bala na pinaniwalaang mula sa kalibre .45 na baril at shotgun malapit sa katawan ng lalaki.

Patuloy pa ang imbestigasyon, habang wala pang pahayag ang kaanak ng biktima.—Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News