Nasawi ang isang 45-anyos na tricycle (bao-bao) driver matapos siyang mabagsakan ng nabuwal na puno ng balete sa Barangay Upper Ilang sa Davao City.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Miyerkules, sinabing may sakay na tatlong pasahero ang biktima na pawang nagtamo ng sugat at binigyan ng atensyong medikal.

Sa imbestigasyon ng pulisya, malakas umano ang buhos ng ulan nang mangyari ang insidente.

Kaagad na sinaklolohan ang mga biktima pero hindi na naisalba pa ang buhay ng driver. – FRJ GMA Integrated News