Isang driver ng garong ang nasawi matapos mabangga ng motorsiklo sa Pasuquin, Ilocos Norte. Ang rider, sugatan naman.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na parehong pa-norte ang garong at motor nang mangyari ang insidente sa Barangay Susugaen.
Lumiko pakaliwa ang garong nang mabangga ng motorsiklo ang likurang bahagi nito.
Sa lakas ng pagbangga, mawalan ng kontrol ang 39-anyos na driver sa minamaneho niyang garong at sumalpok sa isang poste.
Sinabi ng mga mga awtoridad na mabilis ang takbo ng motorsiklo nang maganap ang aksidente. – Jamil Santos/FRJ GMA News
