Inilahad ni Rissa Mananquil Trillo sa social media ang kaniyang damdamin tungkol sa kaniyang sa kaniyang laban sa cancer na nagsimula noong nakaraang taon.
Sa Instagram, ibinahagi ng editor-in-chief ng Allure Philippines ang kaniyang mga portrait upang ipagdiwang ang kaniyang ika-47 kaarawan, kasama ang kaniyang rebelasyon tungkol sa pakikipaglaban niya sa cancer mula pa noong Marso 2025.
"Last year, on March 8—International Women’s Day—I heard the words I never thought I would: 'It’s cancer'," saad niya.
Ayon kay Rissa, ayaw niyang matukoy o ma-define ng diagnosis ang kaniyang pagkatao o tratuhin siya na iba, "So I focused on what I could control—how I showed up, and how I held my mind."
“Because when people hear the word ‘cancer,’ it can feel like everything stops, like it’s the end of the story," saad niya. "But I made a choice early on—it wouldn’t be mine."
Inihayag din ng dating modelo na naging taon ng kaniyang gamutan ang 2025, kabilang ang chemotherapy, brachytherapy, radiotherapy, at immunotherapy.
“I never imagined cancer would be part of my story. But once it was, I knew how I wanted to face it,” sabi niya, at idinagdag na pinili niyang labanan ito na “mentally first."
Sa kaniyang paglalahad, ibinahagi rin ni Rissa ang aral na kaniyang natutunan: “Strength isn’t always visible—and winning often starts in the mind."
Sa paggunita niya sa nakaraang taon, sinabi niya na ang paglalaan niya ng oras upang makipagkita sa mga tao nang personal ay hindi “by chance.”
"It meant I chose to be there. It meant I gave what I could, when I could," sabi pa ni Rissa.
Sa pagtawag niyang “a quiet milestone” ang kaniyang kaarawan, at sinabi ni Rissa na nagsilbi itong paalala na “of what the body and mind can endure” at “how much there is to be grateful for.”
“I’m finally ready to tell this story," dagdag niya. "More, soon."
Hindi binanggit ni Rissa kung anong uri ng cancer ang kaniyang kinakaharap, o kung natapos na niya ang kaniyang mga gamutan.
Itinalaga si Rissa bilang editor-in-chief ng Allure Philippines noong Abril 2025. — Hermes Joy Tunac/FRJ GMA News

