Ipinakilala na ang iba pang cast ng upcoming Viu Original series na “Love, Siargao,” na pagbibidahan nina Alden Richards at Nadine Lustre.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing makakasama nina Alden at Nadine sina Kyline Alcantara, Vince Maristela, AZ Martinez at Kim Jisoo.

Bahagi rin ng cast sina Coleen Garcia, Gab Lagman, Adrian Lindayag, Kakki Teodoro, at Christopher Diwata.

Patungkol ang kuwento ng “Love, Siargao” sa sikat na paniniwalang “Siargao curse,” o mahirap umalis o iwanan ang lugar.

Iikot ang series sa kuwento nina Jao at Kara, na gagampanan nina Alden at Nadine.

Collaboration project ng Viu Philippines, VIVA Communications Inc at GMA Network ang series.—Jamil Santos/FRJ GMA News