Isang patay na dugong o sea cow ang natagpuang palutang-lutang malapit sa baybayin ng Glan, Sarangani.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, sinabing ilang residente ang nakakita sa dugong at dinala nila ito sa dalampasigan.
Sinabi ng local fisheries office na may timbang na halos 400 kilo at may habang 106 pulgada, o mahigit walong talampakan.
Inilibing na ang dugong, habang inaalam pa ang sanhi ng pagkamatay nito. – Jamil Santos/FRJ GMA News
