Matagumpay na napaghiwalay ang dalawang taong gulang na conjoined twins mula Nueva Ecija makalipas ang kanilang operasyon sa Saudi Arabia.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabi ng ina nina Olivia at Gianna Manuel, ipinanganak ang kaniyang kambal na magkadikit sa dibdib hanggang tiyan.
Sinagot ng Saudi Conjoined Twins Program ng Saudi Arabian Government ang gastusin sa separation surgery ng mga bata.
Nasa stable nang kondisyon ang kambal at patuloy na mino-monitor.
Sila ang ika-apat na kambal galing sa Pilipinas na natulungan ng programa.
Malaki ang pasasalamat ng pamilya ng mga kambal sa mga tumulong sa kanila. — Jamil Santos/RSJ GMA News
