Naihatid na sa kanyang hometown sa Bauko, Mountain Province ang mga labi ng PNP-Special Action Force member na si  Police Officer 3 Daniel Taba-an Tegwa.

Nasawi si Tegwa sa bakbakan sa Marawi City noon lamang October 16, habang nire-rescue ang mga bihag ng Maute-ISIS.

Sinalubong ang mga labi ni Tegwa ng kanyang mga kababayan sa Bauko.

Bayani kung ituring ng mga taga-Mountain Province si Tegwa.

 

Photo courtesy: Ad Adi

 

Naulila ni PO3 Tegwa ang kanyang mag-ina. Isa pa lamang ang kanyang anak.

Nangako naman daw ang PNP na tutulungan ang mga naulila ni Tegwa na matanggap nito ng maaga ang lahat ng benepisyong nakalaan para sa kanyang pamilya. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News