Malayo man ang narating sa showbiz kung saan marami na siyang ginampanan sa telebisyon at hosting, pero gusto pa rin daw subukan ni Camille Prats ang pagiging isang travel blogger.

Sa "Mars" nitong Huwebes, ipinaliwanag ni Camille na may dahilan siya kung bakit gusto niyang subukan ang hobby.

Aniya, gusto niyang mas maging memorable ang mga magagandang lugar na kanilang pinupuntahan sa pamamagitan ng mga video.

"Pangarap ko kasi 'yan. Recently, well, may travels kami as a family. So I-a-achieve ko talaga to try to document and video everything. Kinokontrata ko na si VJ na sipagan niyang mag-video. Bilang it's a lot of work, hindi siya madali lalo na if you have kids to take care of. Andami mong iniisip tapos may camera ka pang aasikasuhin."

"'Yun yung goal ko. Kasi gusto ko dumating 'yung time na 'pag malalaki na sila, mapapanood ko lahat ng mga napuntahan namin nang magandang klase. Hindi 'yung basta mo na lang pinagdikit-dikit 'yung mga videos," pagpapatuloy ni Camille.

Gustong-gusto ni Mars Suzie ang pagiging host, at pakiramdam niya, nakalaan siya para rito.

"I know it seems like I'm putting all my eggs in one basket, pero ganu'n ko ka-feel na this is the one for me!"

Si Rochelle Labarda naman, gustong maging beauty consultant dahil sa kaniyang hilig sa mga beauty regimen.

Samantalang ang aktres na si Sharmaine Arnaiz, gustong maging isang direktor. Inihayag din niyang kumukuha siya ng kursong Veterninary Medicine.

"May be by that time, I would have passed the boards, I'd be practicing. So I'd like to be a veterinarian, a professor, or environmentalist."

Panoorin ang kanilang talakayan sa episode na ito ng "Mars." —Jamil Santos/NB, GMA News