Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na si Maine Mendoza tungkol sa pagkaka-link sa kaniya sa aktor na si Arjo Atayde.

ALAMIN: Maine Mendoza, may isiniwalat tungkol sa 'relasyon' nila ni Coco Martin

Sa artikulo ni Arniel Serato sa PEP.ph nitong Huwebes, sinabing ginawa ni Maine ang pahayag sa grand presscon ng pelikulang kinabibilangan niya na "Jack Em Popoy (The Puliscredibles)."

Dahil hindi umano pinayagan ang mga dumalong press na magtanong ng personal questions, minabuti ng media na hintayin ang one-on-one interviews para matanong ang main stars ng pelikula na sina Vic Sotto, Coco Martin, at si Maine.

Nitong mga nakaraang buwan, lumutang ang mga artikulo na iniuugnay siya kay Arjo matapos na may makakita sa kanilang magkasama sa labas.

Kasama rin ang aktor sa pelikula pero wala siya sa naturang presscon.

Nang tinanong si Maine tungkol sa relasyon nila ni Arjo, tugon ng "Eat Bulaga" dabarkads, "Friends kami.”

Itinanggi rin niya na nililigawan siya ng aktor.

“Hindi, friends kami. We’re going out as friends,” pahayag niya.

Ang "Jack Em Popoy (The Puliscredibles)" ay ipalalabas sa December 25 bilang entry sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF). -- For the full story, visit PEP.ph