Arestado ang dalawang part-time models at isang event organizer na mga drug supplier umano matapos silang mahulihan ng mahigit P800,000 halaga ng shabu sa isang condominium sa Tomas Morato, Quezon City.

Sa ulat ng Balitanghali Weekend nitong Sabado, kinilala ang mga part-time model na sina Billy Joe Kakilala at Ronnie Toribio, at ang event organizer na si Abby Forteza Obat.

Nakuha ng PDEA Special Enforcement Service sa kanilang buy-bust operation ang mga ecstacy tablets, liquid ecstacy, shabu at cocaine, pati mga drug paraphernalia, buy-bust money at cellphone.

Ayon sa PDEA, supplier ang tatlo sa mga high-end bars sa Quezon City at Bonifacio Global City kung saan mga partygoer at iba pang modelo ang kanilang mga parokyano.

Ikinanta na rin ng mga suspek ang itinuturo nilang nagsu-supply sa kanila.

Sasampahan ang mga naaresto ng mga kaukulang kaso. —Jamil Santos/KBK, GMA News