Sa programang "Mars," ikinuwento ni Rob Moya na mayroon siyang paraan para mawala ang kaniyang galit, at iyon ay ang titigan ang bagay na talagang kinahihiligan niya.
Isang halimbawa ng insidente na ikinagagalit niya ay kapag nag-aaway siya ng kaniyang ina.
Ngunit tingnan lang daw ni Rob ang pinakamamahal niyang bagay ay nagiging okay na siya.
Ikinuwento rin ni Rob na kung mayroon man siyang bagay na gusto niyang baguhin, ito ay ang kaniyang pride.
"Siguro uunahin ko 'yung pride ko. Siguro kasi, madaming bagay na inuuna ko muna 'yung pride ko kaya naiinis, madali akong magalit, or naiinis ako kaagad."
"'Yun talaga 'yung tina-try kong i-change," dagdag pa ng aktor. — Jamil Santos/MDM, GMA News
