Maraming netizens ang naaliw sa bulilit vlogger na si "Leleng" dahil sa nakatutuwa niyang vlog tungkol sa kandido. Pero nabitin ang kaniyang mga follower at lalong nag-viral ang kaniyang vlog nang hindi niya ito natapos dahil sa biglaang "tawag ng kalikasan."

Natunton ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" si Leleng sa Nueva Ecija at nagkuwento siya tungkol sa nangyari sa nabitin niyang vlog entry, na inaabangan ng mga tao na malaman kung may part 2.

Kilalanin ang cute na vlogger at alamin ang part 2 ng kaniyang vlog kung saan isiniwalat niya ang nangyari sa naturang kandado. Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos:


--FRJ, GMA News