Inilabas na ng Netflix ang trailer ng kauna-unahang original film nito mula sa Pilipinas na "Dead Kids."

Bibida rito ang Kapuso actor na si Kelvin Miranda, na gaganap bilang si Mark Sta. Maria, ang "Dead Kid."

Thriller crime ang Dead Kids na tungkol sa grupo ng magkakaibigan na mangingidnap ng isa sa mga kaklase nila kapalit ng pera mula sa mga magulang nito.

Sinabi ni Kelvin na challenging para sa kaniya ang role.

"First time ko pong gumanap na character na introvert so one week siguro akong nag-prepare para masanay akong mag-isa," sabi ni Kelvin sa Star Bites report ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Biyernes. — Jamil Santos/MDM, GMA News