Nasa ospital ang actress-turned-politician na si Angelica Jones, ang kaniyang anak at ina, matapos silang magpositibo sa COVID-19.

Ilang larawan niya at anak ang ipinost ni Angelica kamakailan sa Facebook habang nasa ospital.

Ang kaniyang ina, nasa ICU pa rin, ayon na rin kay Angelica, na board member ng 3rd district of Laguna.

Sinabi ni Angelica na mayroon siyang asthma at pneumonia.

 

Thank you to Baby Bm Jojo Matias for the Flowers and Fruits for Me , My Mom and Angelo ?????????‍????‍???? Thank you to my...

Posted by Angelica Jones Alarva on Saturday, April 10, 2021

 

Nagpasalamat din ang actress-politician sa mga natatanggap na suporta at nananalangin sa kanilang paggaling.

"Me, my mom and Angelo are positive [with] Covid 19. Humihingi kami po ng inyong patuloy na dasal malampasan namin itong pagsubok," saad niya.

"Please pray for my mom Beth Jones  Nasa ICU [Intensive Care Unit] po siya. She had pneumonia and COVID-19. Please, really need your prayer," patuloy niya.--FRJ, GMA News