Dead on the spot and isang lalaki matapos pagbabarilin sa isang kainan sa Quezon City Martes ng gabi, ayon sa ulat ni Mai Bermudez sa "Saksi."
Nakahandusay sa tabi ng isang kainan sa kanto ng Scout Madriñan at Sgt. Esguerra Streets sa Quezon City ang isang lalaki nang matagupan pasado alas sais ng gabi.
Customer sa mobile kainan ang lalaki, na kumakain lang nang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin.
May nakuhang ID ng sundalo ang mga awtoridad sa bag ng biktima na maaaring tumukoy sa kanyang pagkakilanlan.
Ayon sa isang opisyal ng barangay, nakarinig ang mga tao sa lugar ng isang putok ng baril at nagtakbuhan na raw sila.
Na-recover din sa bag ng biktima ang isang baril at ilang magazine na may mga bala. May nakuha ring kutsilyo, radyo, passport at ilan pang gamit.
Tama ng bala sa batok ang tumapos sa buhay ng biktima.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen. —BAP/KG, GMA News
