Sa halip na katakutan, atraksyon ngayon ang isang higanteng animatronic T-Rex na nakabihis Pamasko sa isang museum sa United Kingdom.

Sa isang video sa AFP, na mapapanood sa ulat ng “Unang Balita” nitong Biyernes, kulay purple ang higanteng T-Rex na nakasuot pa ng Christmas bonnet.

Gaya ni Dakila sa programang “Lolong,” animatronic ang T-Rex, na naka-exhibit sa Natural History Museum sa South Kensington, London.

Gawa sa recycled materials ang costume ng T-Rex.

Ilalaan sa scientific research at koleksyon ng museum ang pondong malilikom sa pagbisita sa T-Rex. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News