Paano nga ba ipauunawa sa murang isipan ng anak kung bakit kailangang umalis at mangibang bansa ang kaniyang pinakamamahal na ina? Panoorin ang nakaantig na tagpo sa "Wowowin."
Ang inosenteng tanong ng bata, bakit siya iiwan ng ina at hahayaan na ipaalaga sa iba na hindi niya ina, gayung ang kaniyang ina ay mangingibang bansa para mag-alaga ng ibang bata?
Sabi ni Kuya Wil, ito ang masaklap na katotohanan sa pagsasakripisyo ng mga magulang na OFW, at ang mga bata ang pinakaapektado.
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
--FRJ, GMA News
