Hindi raw kaya ng konsensiya ni Tin na isang caregiver sa ibang bansa na mag-alaga ng ibang tao kung hindi niya kayang alagaan ang sariling inang may malubhang sakit.

Kaya kahit mahal niya ang kaniyang trabaho bilang OFW, nagpasya si Tin na umuwi sa Pilipinas para i-donate ang kaniyang kidney sa kaniyang ina upang madugtungan ang buhay nito.

Panoorin ang nakaaantig na pagpapakita ng pagmamahal ng isang anak sa kaniyang mahal na ina sa video na ito ng "Wowowin."

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

--FRJ, GMA News