Tumanggap ng Nurses’ Merit Award sa Singapore ang tatlong Pinoy nurse upang kilalanin ang mahusay nilang pagtupad sa kanilang tungkulin.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita," kinilala ang mga nurse na sina Arlene Aleta, Melanie Magnaye, at Niel Cahatian.

Ang parangal ay iginawad kasabay ng ika-135 taon anibersaryo ng nursing bilang propesyon sa Singapore.

Bukod sa medalya, nakaanggap din ang tatlo ng cash na S$1,000 o katumbas ng P35,000.

Lubos naman ang pasasalamat ng tatlong nurse na kinilala ang kanilang sakripisyo. --FRJ,GMA News