Naiiyak habang kausap ni Kuya Wil ang isang OFW na kasambahay sa Riyadh, Saudi Arabia dahil sa tuwa dahil siya ang natawagan para manalo sa "Wowowin-Tutok To Win."

Kuwento ng OFW na single mom, dalawa ang kaniyang anak sa Pilipinas na parehong magdiriwang ng kaarawan ngayong Disyembre. Tatlong taon na rin daw niyang hindi nakakapiling sa Pasko ang kaniyang pamilya, na wish niyang mabuo na sana.

Dahil sa kaarawan ng mga bata, nagpasya si Kuya Wil na dagdagan ang cash na regalo niya sa OFW at nagbigay din ng tablet na magagamit ng mga bata sa pag-aaral. Panoorin.

--FRJ, GMA News